MGA PROBLEMA AT SOLUSYON NG KAPALIGIRAN


MGA PROBLEMA AT SOLUSYON SA KAPALIGIRAN
Mga Problema sa Kapaligiran

Madami sa atin ay gustong-gusto natin ang bansang Pilipinas at maipakita ang pagmamahal natin pero paano kaya ang kapaligiran?? Ang kapaligiran ang pinakaimportante sa atin kasi sila ang naglilinis ng bansang at paalagaan ang mga nangyayari sa atin pero madami sa atin ay nagkakalat, nagpuputol ng puno upang lang magkaroon tayo ng kabuhayan pero unti-unting nagkakaroon na ng polusyon at posibleng maapektuhan na magkasakit ang mga tao, at mga hayop at maaring masira ang ating mundo dahil dito kaya dapat pangalagaan natin ang kapaligiran. Mula sa mga impormasyon, halos madami na nasisiraan ng mga tirahan ng mga hayop at walang mahanap na tirahan ang mga hayop at noong nangyari sa unang buwan nitong taon, nagkaroon sa Australia ng BUSHFIRE o pagkasunog ng mga puno at sa Ilog Pasig noong 2019 na sanhi ng pagkadumi niyon at maraming kalat kaya dapat ang kapaligiran ay importante sa atin.

MGA SOLUSYON SA KAPALIGIRAN 
Ano na ang ating gagawin?? Ang paraan o solusyon sa ating kapaligiran ay dapat tayo maglinis at magtulong-tulungan upang mabalik sa dati ang kapaligiran. Ito ang pinakaimportante sa atin upang mapaalagaan natin ang kapaligiran at mahalin ang ating mundo. Sabi ng ating presidente na si Rodrigo Duterte, dapat tayo ay maglinis ng mga kalat na malapit sa atin at huwag ninyo pababayaan upang ang mundo natin ay malinis. Tayo ang may responsable nito kasi tayo din nagkakalat. Ang isa sa mga tao na tumutulong sa atin na malinis ang kapaligiran ay ang mga GARBAGE COLLECTOR, STREET SWEEPER at marami pang tao na tumutulong sa atin. Pinakamahalaga ito upang mapakita natin na minamahal ang diyos at tayo. Sa ibang bansa, sila ay nagbibigay ng mga paalala para sa kanilang tao at mga kahit ano doon ay malinis at walang kalat at tahimik pero sa atin, ginagawa na natin ang kaya natin upang maging malinis ito. "BE A PART OF SOLUTION, NOT PART OF POLLUTION" na sabi sa mga kasabihan kaya dapat kung kapaligiran ay malinis, ito ang ating kayamanin.


PANOORIN ITONG VIDEO 





 





Mga Komento